Linggo, Hulyo 21, 2013



Ikaw Lamang


Minahal kita,
Sukdulan hanggan langit
Ang aking pagsinta.



Ikaw ang buhay ko’t mundo.
Ginawa mo akong buo.
Ikaw ang aking lahat-lahat,
Sandigan ko sa panahong ako’y lito’ng-lito.
Nagbibigay ka ng liwanag,
Sa t’wing ako’y binalot ng kadiliman.



Sinuway ko silang lahat,
Para masuklian ko lang
ang pagmamahal mong walang katapat.



Ngunit ano'ng nangyari mahal ko?
Bigla ka’ng naglaho’t,
Ako’y iniwan mo’ng bigo
At hindi na buo?



                      ‘di ko lubos maisip,
Kahit sa aking panaginip
Na ako’y ginawa mo pa lang panakip!


Araw-araw akong nagdadasal,
Humihiling sa Maykapal.
Na maibalik lamang
Ang dating pinagsamahan.



Hinahanap-hanap kita,
Araw gabi’t,
Maging sa panaginip pa.
Ngunit sa’n ka na ba?
‘di mo ba narinig ang puso kong lumuluha?



Bawat araw ako’y kusang bumabangon,
Mahilom lamang
Ang sugat nang kahapon.



Naghahanap ako ng iba.
 Ngunit ikaw pa rin ang aking sinisinta.



Kahit nagayo’y alam ko na,
Na nakahanap ka na ng iba.


At ako’y iyong pinalitan mo
d’yan sa iyong puso,.



Lagi mo sana’ng tatandaan ito,

Na TANGING IKAW LAMANG,
ANG NAG-IISANG MAHAL KO.





I Love you,
Goodbye…..









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento